From the Open-Publishing Calendar
From the Open-Publishing Newswire
Indybay Feature
Ka Bel- Crispin Beltran, Bayani ng mga Anak-Pawis
Walang katagang makapaglalarawan sa aming taimtim na kalungkutan sa nabalitang pagpanaw ni Ka. Bel- Ka>Crispin Beltran ang dakilang bayani ng mga anak-pawis.
Sa ngalan ng Philippine Peasant Support Network (Pesante) –USA at ng komunidad ng Pilipino sa Estados Unidos buong pagpipitagang naming ipinaabot naming ang aming lubos na pakikiramay para sa mga naiwang pamilya, kamag-anak at mga kasama’t-kaibigan ng yumaong Ka. Bel.
Si Ka Bel ay isang tunay na anak ng bayan.. Sa murang edad, napag-alaman naming siya ay tumulong sa mga gerilya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang isang kuryer o pasa bilis.Likas sa kanyang pagpapakumbaba, hindi siya nagaply bilang isang beterano gayung maari tumanggap ng benepisyo . Hindi tulad ng ibang pekeng nagpanggap kahit hindi lumaban sa gyera ay nakapunta pa sa Amerika. Dahil dito itinuring naming siyang isang beterano para sa laban ng bayan tungo sa kalayaan.

Mayo 21, 2008

“At iyong minahal ang uring anak pawis
At kinamuhian ang uring mapang-api ‘

Bilang isang manggagawa, at lider ng unyon ng mga taxi-driver naging haligi siya sa pagbubuo ng KMU noong 1980 upang maging isang makapangyarihang unyon- tunay, palaban at makabayan na tumulong sa paglansag sa diktadurang rehimeng Marcos. Dahil dito sila ni Bert Olalia ay pinahirapan at ikinulong ni Diktador Marcos noong 1982.
Ngunit likas na magiting, tumakas si Ka Bel sa bilangguan ng diktador at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan (NPA) sa gitnang Luzon. Bumalik lamang siya sa KMU matapos maibagsak ang Rehimeng US-Marcos noong 1986 para pangunahan ang mga “welgang bayan” laban sa mapagpanggap na rehimeng US-Aquino.
Sa gitna ng mga pagkakamali ng insureksyunismo,tulad ng paglahok ng Partido ng Bayam (PNB) sa eleksyong 1987 buong pusong tinanggap ni Ka. Bel ang Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto sa KMU noong 1992.. Nanatili siyang matatag at modelo ng pagpapakumbaba kahit na ang ibang myemro ng KMU ay nagbuo ng kanilang grupong ayaw sa pagwawasto at tumahak sa ibang landas.
Kahit ibinilangggo ni PGMA ng 15 buwan, hindi napahinuhod si Ka Bel na tumiklop sa atake ng tiranong PGMA. Hanggang huling sandali ng kanyang buhay- natupad ang hiling ni Ka Bel na mamatay sa aksyon. Gumagawa siya sa bubong ng kanyang bahay hanggang huli.
Isang mahusay na lider si Ka Bel. Di tulad ng ibang lider na pinapasok ng hangin ang ulo, nagiging mapagmalaki at ipinapangalandakan ang kanilang kapangyarihan.. Kahit likas na gallng sa uring manggagawa hindi niya minaliit ang mga aktibitang galling sa kabataan o peti-burgesya dahil uliran siya sa husay sa pakikisama. at pakikisalamuha.
Katunayan, mahigpit siyang nakipagkaisa at dinala ang isyu ng mga magsasaka. Bilang kinatawan ng partidong Anak-Pawis, tunay na tagapamandila siya ng kapakanan ng mga inaapi at kulang palad.
Mapalad kaming makasama si Ka Bel sa dalawang asembleya sa ILPS sa The Netherlands noong 2001 at 2004.. Sa dalawang pagkakataon malabis siyang nagpakita ng malalim na interes sa kalagayan ng mga manggagawa at ng unyoismo sa Amerika. Malalim ang kanyang mga tanong sa kalagayan ng mga Pilipinong manggagawa sa Amerika.
Sa huli, ipinapahayag naming ang aming lubos na kalungkutan at taimtim na nangangakong ibabaling ang rebolusyunaryonaryong pamimighati tungo sa ibayong pagkilos para sa katubusan ng bayan at kagalingang ng masang Pilipino
Ipagbunyi ang kadakilaan, ang buhay at pakikibaka ni Ka Bel!
“ Ang laging mapangahas at magiting!”
Arturo P. Garcia
Tagapag-ugnay
Philippine Peasant Support Network (Pesante)-USA
Los Angeles, California
Estados Unidos

Add Your Comments
We are 100% volunteer and depend on your participation to sustain our efforts!
Get Involved
If you'd like to help with maintaining or developing the website, contact us.
Publish
Publish your stories and upcoming events on Indybay.
Topics
More
Search Indybay's Archives
Advanced Search
►
▼
IMC Network