top
US
US
Indybay
Indybay
Indybay
Regions
Indybay Regions North Coast Central Valley North Bay East Bay South Bay San Francisco Peninsula Santa Cruz IMC - Independent Media Center for the Monterey Bay Area North Coast Central Valley North Bay East Bay South Bay San Francisco Peninsula Santa Cruz IMC - Independent Media Center for the Monterey Bay Area California United States International Americas Haiti Iraq Palestine Afghanistan
Topics
Newswire
Features
From the Open-Publishing Calendar
From the Open-Publishing Newswire
Indybay Feature

Makibaka Tungo sa Ganap na Kalayaan at Panlipunang katubusan ng Kababaihan

by Alliance-Philippines (AJLPP)

Buong giting na nagpupugay ang Alyansa-Pilipinas (AJLPP) sa lahat ng kababaihang patuloy na nakikibaka para sa pambansang kalayaan, soberenya, karapatan ng kababaihan sa lahat ng dako ng daigdig. Mabuhay kayo! Ginugunita natin at nagpupugay tayo sa magigiting na kababaihang nakibaka para sa kanilang karapatan at ng kanilang uri at mga kababayan. Hindi nila kinaligtaan na ituwid ang mali, makibaka laban sa inhustisya at palayain ang sarili mula sa pyudalismo, pagpapanubalik ng pyudalismo at patriarkalismo na dulot ng sistemang mapang-api.
640_dsc_0419.jpg
Alliance- Philippines (AJLPP)
Marso 8, 2010

Makibaka Tungo sa Ganap na Kalayaan at Panlipunang katubusan ng Kababaihan

Los-Angeles- Buong giting na nagpupugay ang Alyansa-Pilipinas (AJLPP) sa lahat ng kababaihang patuloy na nakikibaka para sa pambansang kalayaan, soberenya, karapatan ng kababaihan sa lahat ng dako ng daigdig. Mabuhay kayo!

Ginugunita natin at nagpupugay tayo sa magigiting na kababaihang nakibaka para sa kanilang karapatan at ng kanilang uri at mga kababayan. Hindi nila kinaligtaan na ituwid ang mali, makibaka laban sa inhustisya at palayain ang sarili mula sa pyudalismo, pagpapanubalik ng pyudalismo at patriarkalismo na dulot ng sistemang mapang-api.

Sulyap sa Magiting na Pakikibaka

Ipinagdiriwang din natin ang ika-isangdaang anibersaryo ng araw ng kababaihan mula ng ito ay idineklara ng Ikalawang Internasyunal sa Copenhagen, Denmark noong 1910 sa pamumuno ni Clara Zetkin.

Dito sa Amerika, dahil sa pagkamatay ng ilang daang manggagawang kababaihan sa pabrika ng Triangle Waist Factory sa New York, naging tradisyon nang gunitain ang araw na ito bilang araw ng pakikibka mula 1913.

Hindi lamang dito ito nagtatapos. Sa loob mismo ng mga kilusang mapagpalaya at sa gitna ng pakikibaka, nilalabanan ng mga rebolusyonaryong kababaihan ang patriarkialismo sa lahat ng anyo nito.

Lalo na ang pagsasamantala ng mga nasa autoridad at pamunuang rebolusyonaryo na magsamantala at mang-api ng kababaihan sa ngalan ng rebolusyonaryong kilusan.

Pagpipitagan sa mga Magiting na Pilipina

Nagpipitagan din ang Alyansa sa mga nanang kababaihan lalo na mula sa Pilipinas tulad nina Ina Magalat, Ines Carinugan, Gabriela Silang at iba pang Babaylan, Mandadawak at punong kababaihan na inupasala at inusig ng Kastila sa loob ng 300 daang taon ng kanilang maliw na pakikibaka.

Nagpupugay din ang Alyansa sa mga makabagong kababaihan tulad ng babaeng Kumander ng Hukbalahap, Felipe Culala, ng NPA na sina Lorena Barros at marami pang humawak ng sandata at umugit ng bagong landas na magpapalaya sa sarili at sambayanan.

Dito sa Estador Unidos, ang magigiting na kababaihan tulad nina Ester Soriano-Hewiit na nanguna sa pakikibaka laban sa batas militar sa Los Angeles ay aming binibigyang puri.

Sumasaludo kami sa daang libong kababaihang manggawa na nakibaka laban sa bulok na kapitalismo para maiggiit ang kanilang karapatan sa mga pabrika maging para magkaroon ng karapatang bomoto at pangalagaan ang kalikasan.

Hindi lamang ang uri at ang bayan ang kanilang ipinaglaban kundi ang sariling dignidad, karapatang umugit ng sariling kapalaran, laban sa paggigiit ng pyudalismo at patriarkalismo lalo na ang pagsasamantala ng lalaki sa babae at pagbabalewala dito.

Sa kanila kami nagpapasalamat dahil hinawan nila at nilagay ang batong pananda para maitayo ang kilusang ng kababaihan na ngayong ay patuloy na nakikibaka para sa kanilang karapatan at laban sa inhustisya.

Makibaka!


********

Add Your Comments
Listed below are the latest comments about this post.
These comments are submitted anonymously by website visitors.
TITLE
AUTHOR
DATE
ryan
Tue, Mar 9, 2010 8:47PM
Bryan
Tue, Mar 9, 2010 8:45PM
We are 100% volunteer and depend on your participation to sustain our efforts!

Donate

$180.00 donated
in the past month

Get Involved

If you'd like to help with maintaining or developing the website, contact us.

Publish

Publish your stories and upcoming events on Indybay.

IMC Network