From the Open-Publishing Calendar
From the Open-Publishing Newswire
Indybay Feature
REMEMBERING THE FILIPINO MARTYRS OF THE RESISTANCE AGAINST THE U.S.-MARCOS DICTATORSHIP
Over 4 decades ago,in September 1972, with U.S. support, Ferdinand Marcos declared martial law in the Philippines and killed thousands of Filipino women, peasants, workers, Moros, Igorots, and others. Never again will Filipinos allow imperialist and comprador brutality to prevail. Let us remember those who fell in the night--woman activist Liliosa Hilao, tortured and murdered by the military; Jallores and Tagamolila, New People's Army combatants, and many others--who continue to inspire the struggle for freedom, national liberation, and social justice. Makibaka, huwag matakot!
Kapiling Ninyo Kami, mga Kasama, sa Patuloy
na Pagsulong ng Pakikibaka
At bakit iiyak sa kalagitnaan ng landas?
Romulo at Ruben Jallores: Humahagibis sa dapithapong binagwis ng karit
Ang tiling nagluwal sa inyo
Sa tala ng kadakilaan.
Narito kami, mga kamay na umaalalay, yumayapos, umaalo. . . .
At bakit hihikbi o hahagulgol sa kalagitnaan ng landas?
Ernesto at Antonio Tagamolila: Humahagibis sa gabing binagtas ng maso
Ang sigaw na nagluwal sa inyo
Sa bituin ng kaluwalhatian.
Narito kami, mga bisig na humihipo, humahaplos, yumayakap. . . .
At bakit luluha at mananaghoy sa kalagitnaan ng landas?
Kasamang Jallores at Tagamolila: Narito kami, mga kamay na umid, walang imik
Ngunit dumadagok, bumibigwas
Sa buong magdamag
Upang pagkatapos yariin ang ilan libong maso’t karit
Sa apoy ng inyong kabayanihan
Likhain ang ating bukang-liwayway
Ito’y landas na gawa natin—tayong lahat,
kapiling sina Kasamang Jallores at Tagamolila.
________________________________________________
Kantata para kay Liliosa Hilao
(Si Liliosa Hilao ay isang matalinong aktibista sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, ikapitong anak ng isang mangingisda sa Bulan, Sorsogon; pangulo ng pamahalaang pang-estudyante sa Pamantasan, patnugot ng Hasik; minarder ng diktadurang E.U.-Marcos)
I.
Hindi, hindi isang piging o pagsusulat ng sanaysay o pagguhit ng larawan o pagbuburda
Dalawampu’t tatlong taong pinasuso sa iyong nilamuray
` at sinunog na dibdib
ang isang mithing hinadlangan—
Pilit na isinubo ng PC sa iyong bunganga ang asido—
di ostiya o kamanyang, hindi.
Dalawampu’t tatlong taong idinuyan sa warak na pisngi
at hiwa-hiwang bisig
ang isang hangaring sinagwilan—
Nagpatiwakal ka raw sa pag-inom ng lasong di nektar o pulut–gata,
hindi.
Dalawampu’t tatlong taong kinandong sa iyong bugbog
at nilamog na hita
ang isang pagnanasang sinagkaan—
dahil daw sa atake sa puso, dahil sa narkotiko, dahil
sa kung anu-anong kadahilanan.
Dalawampu’t tatlong taong inaruga sa sinapupunan ng iyong
napunit na katawan
ang isang pithayang hinarang—
anumang sagabal, balakid o sagwil ay hindi na ngayon makahahadlang
sa bangkay ni Liliosa
na ngayo’y isinilang.
II.
Hindi maaaring gayong kahinhin, gayong kahinay at kalumanay
Abril 4, 1973
sa iyong silid sa tahanan sa Project 4
sa tulong ng traydor na bayaw, si Capt. Rogelio Roque, CIS
pinagtulungan ka ng mga ahente ng Constabulary Anti-Narcotics Unit:
sina Lt. Castillo, Lt. Garcia, T/Sgt. Sagun,
sundalong George Ong, isang Ester ng WAC, at ang kanilang hepe,
si Col. Bienvenido Felix.
Hindi gayong kahinahon, kabait, kagalang, katimpi, kamapagbigay
Mula 9 ng gabi hanggang 1:30 ng umaga
Abril 5, 1973
pinagtulungan ka nila—himalang pagtulong!
Sa Camp Crame sa loob ng dalawang araw, napag-alamang
isa ka nang bangkay
saplot ng gutay-gutay na damit, gapos ng sapin-saping bendaha,
bituka’y tinanggal, braso’y pinagtuturukan ng karayom.
Sa ganitong masahol na pagtatangkang linlangin ang madla
maski mga madre ng Good Shepherd Convent ay nasindak,
nagimbal sa kung anong hayop na pakana ang inihanda…
“Mga tao ba itong may budhi? may sariling bait?”
Hindi pa sapat iyan.
Sa kung anong tusong idea, nagpadala si Col. Felix ng 2,000 piso
sa pamilya ni Liliosa.
Suhol?
Ambag?
Gantimpala?
O walanghiyang biro?
III.
…isang pagbabangon, isang marahas na kilos
Habang nagsasaya ang diktador at mga alipuris sa bulwagan ng palasyo
kumikirot ang nasikil na gunita
Habang nagbababad sa luho ang mga Enrile at teknokrat sampu ng kanilang mga alila
sumisigid ang damdaming may balakid
Habang nagpapasasa sa poder ang mga heneral, komprador, ahente ng korporasyong
dayuhan
sumisidhi ang nahadlangang guniguni
na ginagamit ng isang uri upang ibagsak ang isa pang uri
Nagkubli ang araw
nagisna’y gabing pusikit
bumuhos ang ulan
umalimbukay ang alon
sumambulat ang ulap
nabulabog ang mga bituin
Silakbo ng buhawi
alimpuyo sagitsit
daluyong ng agos
Pumaimbulog ang diwang nangulimlim
Pumailanlang ang nagsalabat na yagit at dumi
Humugos
ang mga pita’t lunggati
pagnanais at pangarap
ang nasa’t layon
adhika’t panaginip
upang dumaloy at magkatipanan
sa guhit-tagpuan ng dalawampu’t tatlong pangako’t
dalawampu’t tatlong katuparan.
IV.
Anong mahapding ulos ang bumaon sa tadyang na di ko matarok?
Anong malupit na kuko ang lumaslas sa ‘king lalamunan?
Anong mabagsik na subyang ang humihiwa?
anong ugit na mapusok?
(Humahagikgik ang naglambiting buwitre sa likod ng lila’t sutlang tabing)
Pinipigil ngunit nagpupumiglas
Nagpupuyos
Nagngingitngit
Sa tiwangwang na lupa ng asendero, ihasik ang binhi
ng nagbabagang sugat
Sa sinabotaheng makina sa pabrika, ihasik
ang silab ng luha
ihasik ang titis ng naglalatang na galit
sa pusod ni Reyna Imelda
Ihasik ang liyab ng poot
sa mga bilangguan at sementeryong pangala’y
“Bagong Lipunan”
Sa darang ng dusa’t pagpapakasakit naipunla sa bango’t laman ng bayaning ito
sisibol ang apoy ng panatang nasugpo
ang adhikang nasupil
ang pagnanasang nabigo
Matutupok nito ang bulok na balangkas ng mga uring mapangamkam
at sa pugad ng sigang lumalagablab
sa lunday ng rumaragasa’t lumalagong sunog
babangon ka, Liliosa,
sa payapang pusod ng sigwang sakdal rahas.
___________________________
E. SAN JUAN, Jr. directs the Philippines Cultural Studies Center in Connecticut and serves as co-director of the board of Philippine Forum, New York. His latest books are HIMAGSIK (De la Salle U Press), TINIK SA KALULUWA (Anvil Publishing), and SAPAGKAT INIIBIG KITA (UP Press).

Add Your Comments
Comments
(Hide Comments)
It was 30 years ago and Marcos is dead. What do you want now? You are the useless fucks that let Arroyo stay in power. You are the ones that keep the criminals in office. You tolerate all the corruption and whine that it's all America's fault. If you want to change it, why are you in NYC? So you can make sure you have a nice photo in the Filipino Reporter?
We are 100% volunteer and depend on your participation to sustain our efforts!
Get Involved
If you'd like to help with maintaining or developing the website, contact us.
Publish
Publish your stories and upcoming events on Indybay.
Topics
More
Search Indybay's Archives
Advanced Search
►
▼
IMC Network